eliminate facebook

Paano ko permanenteng ide-delete ang aking Facebook account?

Paano ko permanenteng ide-delete ang aking Facebook account?

Sa mga susunod na ilang buwan, ia-update namin ang hitsura ng www.facebook.com. Alamin pa ang tungkol sa kung paano lumipat sa pagitan ng Bago at Classic Facebook. Mag-click sa ibaba para pumunta sa mga direksyon para sa ginagamit mong bersyon.

Ano ang mangyayari kung permanente kong ide-delete ang aking Facebook account?

  • Hindi mo magagawang i-reactivate ang iyong account.
  • Permanenteng ide-delete ang iyong profile, mga litrato, post, video at lahat ng iba pang idinagdag mo. Hindi mo makukuha ang anumang idinagdag mo.
  • Hindi mo na magagamit ang Facebook Messenger.
  • HIndi mo magagamit ang Pag-log in sa Facebook para sa iba pang app na maaaring nag-sign up ka gamit ang iyong Facebook account, tulad ng Spotify o Pinterest. Maaari mong kailanganing kontakin ang mga app at mga website para ma-recover ang mga account na iyon.
  • Ang ilan sa impormasyon, tulad ng mga message na ipinadala mo sa mga kaibigan, ay maaari pa rin nilang makita pagkatapos mong i-delete ang iyong account. Ang mga kopya ng mga message na ipinadala mo ay ini-store sa mga inbox ng iyong mga kaibigan.

Paano kung ayokong i-delete ang lahat ng aking content, pero gusto kong magpahinga muna sa Facebook?

Pwede ka munang magpahinga sa Facebook at pansamantalang i-deactivate ang iyong account. Kapag pansamantala mong ide-deactivate ang iyong account:

  • Hindi makikita o mapupuntahan ng mga tao ang iyong Facebook profile.
  • Hindi ide-delete ang iyong mga litrato, post at mga video.
  • Pwede mo pa rin gamitin ang Facebook Messenger. Makikita pa rin ang iyong litrato sa profile sa iyong mga pag-uusap at mahahanap ka pa rin ng mga tao gamit ang pangalan para magpadala sa iyo ng message. Patuloy kang lalabas sa mga kaibigan sa Facebook sa mga lugar kung saan ka nila pwedeng padalhan ng message.
  • Pwede mo pa rin gamitin ang Pag-log in sa Facebook para sa iyong iba pang app, tulad ng Spotify, Pinterest o Games.
  • Pwede mong piliing bumalik kailan mo man gusto.

Alamin kung paano pansamantalang ide-deactivate ang iyong account.

Paano ko permanenteng ide-delete ang aking account?

Bago i-delete ang iyong account, kailangan mong mag-log in at i-download ang kopya ng iyong impormasyon (tulad ng iyong mga litrato at mga post) mula sa Facebook. Pagkatapos ma-delete ang iyong account, hindi mo makukuha ang lahat ng idinagdag mo.

Para permanenteng i-delete ang iyong account:

Classic na Facebook

Para permanenteng i-delete ang iyong account:

  1. Mag-click sa kanang itaas ng anumang Facebook page.
  2. I-click ang Mga Setting, pagkatapos ay i-click ang Iyong Impormasyon sa Facebook sa kaliwang column.
  3. I-click ang Pag-deactivate at Pag-delete.
  4. Piliin ang I-delete ang Account, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy sa Pag-delete ng Account.
  5. Ilagay ang iyong password, i-click Magpatuloy at pagkatapos ay i-click ang I-delete ang Account.

Bagong Facebook

  1. Mag-click sa kanang itaas ng Facebook.
  2. Piliin ang Mga Setting at Privacy > Mga Setting.
  3. I-click ang Iyong Impormasyon sa Facebook sa kaliwang column.
  4. I-click ang Pag-deactivate at Pag-delete.
  5. Piliin ang Permanenteng I-delete ang Account, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy sa Pag-delete ng Account.
  6. I-click ang I-delete ang Account, ilagay ang iyong password at pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.

Pwede ko bang i-cancel ang pag-delete ng aking account?

Kung wala pang 30 araw simula nang sinimulan mo ang pag-delete, pwede mong i-cancel ang pag-delete ng iyong account. Pagkatapos ng 30 araw, permanenteng ide-delete ang lahat ng iyong impormasyon, at hindi mo na makukuha ang iyong impormasyon.

Maaaring abutin nang hanggang 90 araw mula sa simula ng proseso ng pag-delete para i-delete ang lahat ng na-post mong bagay. Habang dine-delete namin ang impormasyong ito, hindi ito maa-access ng ibang taong gumagamit ng Facebook.

Ang mga kopya ng iyong impormasyon ay maaaring manatili pagkatapos ng 90 araw sa backup storage na ginagamit namin para makabawi kung magkakaroon ng sakuna, software error, o iba pang pagkawala ng data. Maaari rin naming itago ang iyong impormasyon para sa mga bagay tulad ng mga legal na isyu, mga paglabag ng mga tuntunin, o mga pagsusumikap sa pag-iwas ng pinsala. Alamin pa ang tungkol sa aming Patakaran sa Data.

Para i-cancel ang pag-delete ng aking account:

  1. Mag-log in sa iyong Facebook account sa loob ng 30 araw ng pag-delete ng iyong account.
  2. I-click ang I-cancel ang Pag-delete.


More Story on Source:

*here*

Paano ko permanenteng ide-delete ang aking Facebook account?

348

Publish

👁️‍🗨️ PERCEIVE

বাংলাদেশে ফেসবুকের বিকল্প আসছে তথ্য ও যোগাযোগ প্রযুক্তি প্রতিমন্ত্রী জুনাইদ আহমেদ পলক বলেছেন, ‘দেশকে আত্মনির্ভরশীল করার লক্ষ্যে আইসিটি বিভাগের উদ্যোগে
আমরা একটি স্থিতিশীল রাষ্ট্র ও স্থিতিশীল বিশ্বের কল্পনায় বিভোর ছিলাম ! আমরা একটি স্থিতিশীল রাষ্ট্র ও স্থিতিশীল বিশ্বের কল্পনায় বিভোর
अगर छुट्टी पर हैं तो संभलकर करें फेसबुक अपडेट {"_id":"420462d7e09468e07611cfb9fd61807d","slug":"be-careful-to-update-facebook-on-leave","type":"story","status":"publish","title_hn":"u0905u0917u0930 u091bu0941u091fu094du091fu0940 u092au0930 u0939u0948u0902 u0924u094b u0938u0902u092du0932u0915u0930 u0915u0930u0947u0902 u092bu0947u0938u092cu0941u0915 u0905u092au0921u0947u091f","category":{"title":"India News Archives","title_hn":"u0907u0902u0921u093fu092fu093e
میهن بلاگ - ابزار قدرتمند وبلاگ نویسی کاربران و همراهان سایت میهن بلاگ، سلام از اینکه مجبور هستیم از شما
Zuckerberge is Jealous ! China - TikTok ! Watch this . . .
Zionist Political Violence: Patterns and Motives This attempt to tackle the issue of Zionist political violence will not constitute a
Zionism Contents What is Zionism? Theodor Herzl The Balfour Declaration Zionism and World War II Jewish Resettlement in Israel The
Zidane to leave Real Madrid at end of season: reports Zidane to leave Real Madrid at end of season: reports
YouTube Enhances Hatred of Israel and Extinguishes Hate for Palestinians Photo Credit: YouTube YouTube account suspension{Originally posted to the FirstOne
YouTube Challenge Eater Kicked Out of Colorado Restaurant, Accused of Being a 'Scammer' Raina Huang, a YouTuber famous for traveling

→ all Story at a.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *